Lunes, Hulyo 23, 2012

Troy and Theresa


Ako si theresa. Isa akong second year student sa isang publikong paaralan. Masipag ako at sabi ng iba matalino daw ako. Simple lang ang gusto ko, ang makatapos ako at makatulong sa mga magulang ko. Lahat ginagawa ko makakuha lang ako ng mataas ng grades para matuwa ang tatay at nanay ko. Hindi pa pumapasok sa isip ko ang pagbo-boyfriend. Tapos isang araw may nakilala akong isang lalaki, masipag, mabait at matalino. Nakasalubong ko siya sa pathway noong first day of school, nalaglag ang mga gamit ko at pinulot niya ito't binigay sa akin. Kinilig ako at siyempre may konting hiya din.


Boy: Miss Okay ka lang?

Ako: Okay lang. (Kinikilig..)

Boy: Eto gamit mo oh! :)

Ako: Salamat. :)






Yun ang una naming pagkikita. Sayang at hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya. Hay! Eto na at may klase na. Nagulat na lang ako bigla, SIYA! SIYA nga, yung lalaking nakasalubong ko kanina classmate ko pala. Lalo pa kong kinilig nung sa tabi ko siya umupo. Troy pala ang pangalan niya.

Troy: Miss pwede umupo?

Ako: Sure. :)

Troy: Thanks. Ano pangalan mo?

Ako: Theresa. Ikaw?

Troy: Troy. Ganda naman ng pangalan mo.

Ako: Anong maganda dun?

Troy: Ikaw. :)


Hay! Napakasaya ko nung mga oras na yun. Nakuha pa niyang bolahin ako. Isang oras kaming magkatabi. Sobrang saya ko. Eto na at breaktime na. Nakakagutom din kasi yung isang oras na klase na yun.



Troy: May kasabay ka na kumain?

Ako: Wala pa.

Troy: Bakit? Wala kang friends?

Ako: Transferee lang ako dito wala pa kong kakilala.

Troy: Halika. Sumabay ka na sakin. Treat kita ng foods.

Ako: Wag na kakahiya naman.

Troy: (Hinila ang kamay ko) Sige na tara na.

Ako: Okay. Bitawan  mo na ko, susunod ako.



Sobrang bait sakin ni Troy. Bumili siya ng pagkain at pinagsaluhan namin yun dalawa. Marami kaming napag-kwentuhan at hindi na namin namalayan ang oras, time na pala. Sabay kaming bumalik sa classroom habang nag-uusap pa din.



Troy: San ka galing school?

Ako: Sa batangas. Dun ako nag-aral ng first year.

Troy: Ah. So dito na kayo titira?

Ako: Oo. Pero nangungupahan lang kami. Uyy! Salamat sa libre mo ha. Nakakahiya naman sayo.

Troy: Wala yun! Friends na tayo di ba?

Ako: Oo naman. Babawi ako sayo.



Ayun nga at time na. Bumalik na kami sa classroom para mag-aral ulit. Iyon ang una naming pagkikita. Ilang araw, lingo at buwan ang lumipas. Naging mabuting magkaibigan kami ni Troy. Pasyal dito, pasyal doon. Kain dito, kain doon. At isang araw namasyal kami ni troy sa park, umupo kami sa bench at nagpahinga. Habang nagpapahinga kami may dumaang nagtitinda ng lobo. Bumili siya ng isa at binigay niya ito sa akin.



Troy: Lobo oh! Para sayo.


Ako: Salamat. :) Para san naman to?


Troy: Wala lang. Para pag nakikita mo yan maalala mo ko. Pwede bang magtanong?


Ako: Ano yun?


Troy: Pwede na ba kitang ligawan?


Ako: Masaya naman tayo ng friends lang di ba?


Troy: Oo nga. Di ko kasi maiwasang hindi ka mahalin. Ang totoo nga niyan mahal na kita eh.


Ako: (........)




Hindi ko alam ang sasabihin ko nung mga panahong yun, di ko alam kung mahal ko din ba siya. Naisip ko na bata pa kami at marami pang pwedeng unahin kesa sa pakikipag relasyon. Kinausap ko si mama kung pwede ba kong mag boyfriend, pumayag naman siya. Okay lang kay mama pero kay tatay, di ko masabi sa kanya. Nakipag-usap ako kay Troy sinabi ko sa kanya na okay lang kay mama pero kay tatay hindi.



Ako: Troy, okay lang ba sayo kung si tatay muna ang ligawan mo?


Troy: Anong ibig mong sabihin?


Ako: Si tatay muna para maging legal tayo sa parents ko. Okay lang ba sayo?


Troy: Okay lang. Basta ba magiging akin ka. :)


Ako: Basta pumayag lang si tatay, Sayo na ko. :)


Troy: Ika'y akin lamang. :)



Naging maayos naman ang pag-uusap namin ni Troy. Umabot ng ilang buwan bago pa naging okay kay tatay na maging boyfriend ko si Troy. Naging masaya naman kami. Palagi kaming magkasama after ng klase lagi din kaming kumakain ng sabay. Tapos isang araw nagtext siya sakin may pupuntahan daw siya.



Troy: Beb, punta lang ako sa tropa ko birthday niya kasi.


Ako: Sige po! Basta ingat ka ha.


Troy: Opo beb! I Love You. :)


Ako: I Love You too beb.


Troy: Beb, iiwanan ko phone ko ha. Text kita pag uwi ko.


Nagtaka ako nung mga sandaling iyon. Dati kasi kapag birthday ng tropa niya sinasama niya ko at pinapakilala sa mga kaibigan niya. Para mawala ang hinala ko, nagpunta na lang ako sa mall para mag liwaliw pinapabili din kasi ako ni mama ng gatas at kape. At habang nasa mall ako nakasalubong ko ang isa sa mga tropa ni Troy.


Ako: Uyy! Anthony. Bakit andito ka?


Anthony: Ah. May inutos kasi si tita binili ko lang.


Ako: Bakit di ka kasama ni Troy?


Anthony: Saan?


Ako: Birthday daw ng tropa nyo.


Anthony: Bakit di ako invited? Sino daw?


Ako: Hindi niya binanggit sakin. Sige una na ko. 



Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko nung mga oras na yun. Naguguluhan ako. Iniintay ko na lang ang text niya para itanong kung ano ba talaga. Pero wala akong na receive na text galing sa kanya nung gabing 'yun. Umabot na ng isang lingo wala pa ring text at calls, hindi rin siya pumapasok sa school. Natatakot ako na baka ano ng masamang nangyari sa kanya. Tapos isang araw may natanggap akong text galing sa kaibigan ko. Nakita daw niya si Troy na may kasamang iba.




Bea: Friend nakita ko si Troy may kasama siyang babae sa mall kahapon. Naka-uniform siya kahapon eh.


Ako: Sinong kasama niya?


Bea: Hindi ko siya kilala. Basta ang alam ko mahaba ang buhok niya at sa private school siya nag-aaral


Ako: Sigurado ka bang si Troy yun?


Bea: Oo siya talaga yun. Di ako nagkakamali.


Ako: (......)




Nalaman ko nalang na ang pinuntahang birthday-an ni Troy ay birthday ng pinsan kong si Jenny na kaya pala hindi ako invited kasi si Troy ang pinapunta niya. Si Jenny ang pinaka-close ko sa lahat ng pinsan ko. Kilala niya si Troy, natutuwa ako dati kasi nagkakasundo sila ng boyfriend kong si Troy. Matagal na pala silang may pagtingin sa isa't isa ni wala man lang akong kaalam-alam. Pinagmukha lang nila kong tanga. Hindi ko na hiningi ang paliwanag ni Troy. Ako na lang ang lumayo sa kanilang dalawa dahil masasaktan lang ako.




Sometimes I wish I was a little kid again...... Skinned knees are easier to fix than BROKEN HEARTS.. :(


*Photos are not mine. Credits for those who owned those pictures.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento